ss_blog_claim=d6f0727c693f11e32c6623835ef02ab7

Friday, May 19, 2006

authentic puroy

heto na, heto na, di mo pa nakikita
teka, ito ba’y tula? tila bugtong yata
haw haw de carabao batuten
pag di makatulog, solusyon ay count to ten

heto na si kaka, bubuka-bukaka
dumaan si tarzan , nabiyak ang daan
pagdating sa dulo ay i-inda-indayog
kaya pala ay nakainom ng lambanog

may payneta pa siya at mananalamin
sa may bahay kubo, duon po sa amin.
kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay
magbayad ng maaga ng di maabala

weytaminit, kapeng maiinit,
konting ipit at baka masilip
basta sexy libre, kapag buntis doble
dahil matayog ang lipad ng sarangola ni pepe

mula aparri hanggang jolo
bawal ang nakasimangot dito
at kung hindi ka pa nangingiti man lang,
hindi ka namin tatantanan!

*****************************************

authentic puroy*
dahil ganito si puroy nung di pa nagseseryoso
at hindi pa nakakausap ng matino
lahat ng usapan ay talagang hinahaluan
di lamang may sayad, below sea level pa ang tama

No comments:

Share this post