Sa aking pag-iisa, ako'y nag-iisip
Aking naalala, mapait na sinapit.
Sa kadahilanang hindi ko malaman
Luha sa mata'y biglang nagdaluyan.
Tunay na mahirap ang ika'w mawalay
Sa iyong irog at mahal sa buhay
Sa aking pag-iisa, aking naa-alala,
Pati ang mga mumunting inakay.
Patuloy sa pagdaloy luha sa pisngi
'di mapigilan, mahabag sa sarili
Sa kalagayan na aking sinapit,
Kahit pusong bato, ay lalambot din.
Diyata't ako'y sadyang sinusubok,
Sa aking tibay at tatag ng loob,
Kung gustong ang kinabukasa'y gumanda,
Kailangan lampasan ang bawat problema.
'di mapigilan, buntunghininga'y lumalalim,
Sa sama ng loob at bigat ng dibdib
At parang naghahabulan pa sa aking pisngi,
Ang mga luhang 'di ko na pinunasan.
Patuloy sa pagdaloy, pagtuloy sa pagluha,
Hindi mapigilan, kaya't hinayaan.
'di ko namalayan na nang kalaunan,
Ang luha ko pala, ay naging mga... muta.
----------------------------------------------
written on dec 11, 1998 on board a bus
going to my work away from home.
Grade 10 Completer
3 years ago
No comments:
Post a Comment